Sabado, Hulyo 2, 2016

Isang Wika, Iba't Ibang Diyalekto, Iisang Mithiin

                 
                            Ang Pilipinas ay isa sa mga mga bansang gumagamit ng iba’t ibang diyalekto ngunit may iisa lamang na wika. Mahigit kumulang sa isang daan na katutubong diyalekto ang ginagamit ng mamamayang Pilipino. Isa rin sa mga sinasalita ng mga ito ay ang wikang banyaga o ang wikang Ingles. Ginagamit ang wikang Filipino o ang katutubong diyalekto sapakikipagtalastasan o sa pakikipag-usap, ngunit sa pag sumite naman ng trabaho ay kinakailangan ang pag-gamit ng wikang banyaga. Maraming mga Pilipino ang matatawag na bilingguwal o multilingguwal sapagkat isa o higit pa ang kaya nilang gamiting wika: Katutubong diyalekto, Pambansang Wikang Filipino at ang Wikang Ingles. Ngunit kahit ang isang mamayang Pilipino ay nahihirapan rin sa pagsasalita ng kanilang sariling Wikang Pambansa. Ito ay dahil mas ginagamit nila ang kanilang katutubong dayalekto o dahil ang kinalakihan nilang lingguwahe ay ang wikang banyaga. Sa Kautusang Tagapagpaganap blg 187 (1969), nilagdaan ng pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaanna gamitin ang wikang Filipino hangga’t maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man ito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon. Sa batas na ito ay dapat mas magamit ang sariling wikang Filipino, ngunit madalas sa mga tanggapan ng trabaho ngayun ay mas kinakailangan ang pagsasalita sa wikang Ingles kaysa sa Wikang Pambansa. Kahit sa pagpapadala ng liham ay may batas na iniukol tungkol dito. Memorandum Sirkular bilang 172 (1968). Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino Ngunit sa pagdating na naman ng pag hahanap ng trabaho, ang hinihinging “resyume” at “aplikesyon leyter” ay dapat nakasulat sa Wikang Ingles. Dahil dito marami na ang nagsasabi at nagnanais na ang Wikang Ingles nalang ang gamiting sapagkat naniniwala sila na mas angkop at mas maunlad ang paggamit kumpara sa Wikang pambansa.

                           Ikinumpara naman ni Nadera ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas sa kalagayan ng mga maliliit ngunit mauunlad na bansa tulad ng Thailand at Japan. Ayon sa kanya, hindi umaasa ang mga ito sa dayuhang wika upang makamit ang kaunlaran. “Malakas ang turismo at ekonomiya ng Thailand at Japan, ngunit hindi sila gumamit ng banyagang wika,” ani Nadera. “Hindi naman kasi kapag ginagamit ang wikang banyaga, sisikat at uunlad na. Marahil, mapipigil pa nito ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga Pilipino.”

                                  
                             Ito rin ang dahilan kung bakit watakwatak ang karamihan sa mga Pilipino dahil sa hindi pagkakaintindihan. Tila isang hamon talaga ang modernong globisasyon ng wika sa ibat ibang larangan ng bansang Pilipinas. Kahit ganoon paman, na kahit maraming dayalekto at wika ang ginagamit ng mga mamamayang Pilipino ay iisa parin ang mithiin ng bawat isa, walang iba kung hindi ang pag-unlad ng bansang Pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento